Linggo, Setyembre 22, 2013

It's more fun in the philippines


                  Kasama ang aking mga kagrupo na sila Carizza Chico, Grace Suyom, Carla Absalon, Michael Diaz at Nathaniel Talastas ay nagpunta kami sa itinalaga sa aming lugar noong Ika-20 ng Setyembre sa Marilao Cathedral Church, Divine Mercy church at isang lumang bahay sa Marilao. Ito ay para sa proyekto namin sa Introduction of Arts na kung saan kailangan naming kuhanan ng mga larawan ang ibat ibang bahagi ng lugar.


Ang una naming pinuntahan ay ang Marilao Cathedral Church.




(eto yung kuha namin ni Grace sa loob ng tricycle papuntang Marilao Cathedral)







MARILAO CATHEDRAL CHURCH




                                                                     Main Door

                                                                          




matapos namin makapagpicture sa labas ay pumasok na kami sa loob na simbahan



                                                                        Crucero

                                                                          

                                                                         Altar mayor


                                                                       

                                                                       Sagrario

                                                                            

                                                                      Coro Baxo

                                                                        

                                                           Capilla


                                                                           Relics





                                                                           Confesionario




                                                                          Bell Tower


matapos namin magpunta sa Marilao Cathedral Church ay nagpunta na kami sa susunod naming destinasyon. yun ay ang Lumang Bahay sa Marilao. Naghanap hanap kami ng mga lumang bahay at ang naiuro sa amin ay ang bahay na bato ng mga Villarica.





LUMANG BAHAY (bahay na bato ng mga Villarica)

Ang Bahay na Bato ng mga Villarica ay naitayo noong kalagitnaan ng ikalabingwalong dantaon pinagdausan ito ng lihim na pagpupulong ng mga propagandista noong 1890.





Heto ang mga larawan na aming nakunan sa pagbisita namin sa bahay na bato ng mga Villarica.

Pagkapasok namin sa malaking gate nila na kulay puti ngunit puno na ng kalawang dahil sa matagal na ito


 at nang kami ay makapasok na sa loob ay inikot na namin ang paligid ng bahay...
nakita namin ang bato na sadyang itinayo para malaman kung saan nagamit ang bahay na ito at ang mga makasaysayang tao na nanirahan dito.


nagpatuloy kami sapaglalakad nang makita namin ang kabuuan ng bahay. mayroon lamang itong hanggang dalawang palapag ngunit ito ay pahaba.



pinasok namin ang unang palapag nang bahay ngunit para itong isang kulungan o kweba sa baba ng bahay. Hindi ko mapaliwanag pero mejo nakakatakot nung pumasok kami.



(oh diba mejo creepy?! may lumang salamin pa.. hehe but wait there's more mas maramin salamin sa ikalawang palapag ng bahay.. :-))


nang matapos na kami sa ibabang parte ng bahay ay lumabas na kami at hinanap naming ang daan papunta sa ikalawang palapag..


(amp.. pero sad to say sarado yun nang makita namin kaya naghanap nalang kami ng ibang way para makapasok sa loob..

And there it is.. sa likod kami ng bahay nakadaan..


paakyat yung daan papunta sa back door.. pero picture picture muna bago pumasok :D

eto yung pinto sa likod ng bahay muka pa siyang bago noh?.. pero luma na talaga yan.. mejo maayos lang


sa gilid ng pinto ay ang lababo 


sa ilid naman ng lababo ay ang cr pero kakaiba siya kasi kailangan mo pang tumulay para lang makapunta sa banyo pero mukang safe naman..


(subukan ko sanang buksan yung pinto ng cr kaso nakita ko ako nalang yung nasa labas eh.. kaya di ko nalang tinuloy maya kung ano pa makita ko dun eh. (takot takot din pag may time :-)

So ayun na nga binukas na namin yung pinto sa likod at eto ang nakita namin


bago kami dumiretso jan sinubukan muna namin kung kaya pang apakan yung sahig kasi as you can see gawa siya sa kahoy. pero sabi naman ng lalaki okay pa naman daw tapakan wag lang tatalon kasi baka daw pulutin kami sa ibabang parte ng bahay. At wag daw masyadong maingay kasi may nagbabantay daw ng bahay (hala! si kuya nanakot pa..)

diba sabi ko sa inyo kanina mas madaming salamin dito sa itaas


mukang dito ang kanilang hapag-kainan. (in fairness, may salamin pa din kahit sa kainan)

tumuloy na kami sa loob ng bahay


eto yung pagpasok namin dun sa nakabukas na pinto.. diba sabi ko kanina sa likod kami dumaan. 
Eto na siguro ang kanilang sala.






eto siguro yung dating may ari ng bahay. mejo luma na yun larawan eh..


matapos naming maikot ang loob ng bahay ay lumabas na kami.. akala namin wala na kaming makikita pero meron pa palang sa likod ng bahay na space. Parang kusina siya eh kasi may lababo tas para ding dun sila naglalaba.



Matapos naming maikot ang Bahay na Bato ng mga Villarica ay nagpasalamat na kami sa namamahala dito.



Pumunta na kami sa Ikatlon destinasyon namin na ang Divine Mercy Church. Inuna naming yung dalawang lugar sa Marilao kasi magkalapit lang naman yun at ang Divine Mercy ay medyo may kalayuan.


DIVINE MERCY CHURCH



Heto ang mga larawang kuha sa Divine Mercy Church














matapos ang aming masayang paglalakbay ay dumiretso na kming sm para na din makakain.. :D 

Sa aming paglalakbay marami din kamin natutunan at mga natuklasan siyempre.. masakit man sa paa hehe (heels pa!) pero worth it naman lahat ng pagod.  




























2 komento: